Advertisers
NAGHINALA ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa basketball shoes na ipinabibigay sa isang detenido sa Metro Manila District Jail sa Taguig City.
Nagpanggap na dalaw ang 24-anyos na si Jeremiah Neil Buenaventura ng Mandaluyong City, at ipinabibigay ang isang pares ng basketball shoes sa isang bilanggo.
Dahil sa pagdududa sa basketball shoes para sa isang detenido, masusing ininspeksyon ang sapatos at nabuking ang shabu na isiningit sa suwelas.
Sinabi ni Taguig City Police chief, Lt. Col. Robert Baesa, nagkakahalaga ng P170,000 ang naharang na droga.
Hindi na tinukoy ang detenido na tatanggap ng sapatos at tumanggi narin si Buenaventura na magbigay pa ng detalye.
Kakasuhan si Buenaventura ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.