Advertisers

Advertisers

Bomba sumabog sa loob ng bus: 1 patay, 4 grabe

0 190

Advertisers

PATAY ang isang katao at lima ang sugatan nang sumabog ang isang bomba na iniwan sa loob ng pampasasehong bus sa Tacurong City, Linggo ng tanghali.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawing pasahero.

Dinala ang 4 sugatan sa St Louis Hospital upang malapatan ng lunas.



Ayon kay Major General Roy Galido,kumander ng 6th infantry Divison, 11:30 ng umaga nang maganap ang pagsabog sa YBL bus sa Barangay Isabele, Tacurong City.

Nabatid na galing ang YBL Bus sa Kidapawan City na may rutang M’lang at Tulunan patungo sa Tacurong City.

Pagsapit ng bus sa bisinidad ng St Louis Hospital, sumabog ang bomba na isang improvised explosive device (IED) na iniwan ng kung sino sa loob ng bus.

Sinabi ni Galido na extortion ang motibo ng pambobomba sa nasabing bus dahil sa patuloy na pagtangi ng may-ari nito na magbigay ng extortion money sa ‘di pa nakikilang mga salarin.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">