Advertisers
SUPORTADO si Inspector General Alfegar M. Triambulo ni dating President Rodrigo Duterte para manatili sa Philippine National Police- Internal Affairs Service (PNP IAS), kungsaan nahaharap ito sa mga matitinding atake ng mga kalaban at kritiko.
Sa isang panayam sa Davao City, sinabi ni Duterte sa tatlong beteranong brodkaster na ang termino ni Triambulo ay hindi co-terminus niya, kaya si Triambulo ay hindi overstaying sa IAS.
“Alam ko yan. Magaling na public servant yan, I will find a way to help the Inspector General to continue serving our countrymen. Kun may dapat palitan, hindi siya,” sabi ni Duterte, paglarawan sa umano’y sexual harassment case na isinampa laban sa kanya.
Itinalaga ni Duterte si Triambulo noong 2016 para pamunuan ang IAS sa kasagsagan ng imbestigasyon ng Senado at Kongreso sa mga alegasyon ng human rights abuses laban sa PNP. Maging si Senador Grace Poe ay aprub sa kanyang appointment, sinabing gusto niya ang isang civilian officer na mamumuno sa IAS para maiwasan ang “Kabaro” syndrome.
“Gusto ko noon na maayos ang PNP, maalis ang mga tiwali at korap, kaya siya ang inilagay ko dyan. Dating Napolcom director sa Davao yan,” diin ni Duterte.
Noong Duterte administration, ang IAS ay nakapagresolba ng 17,000 cases ng mga nagkakamaling police officers, mahigit 2,000 sa mga ito ay nirekomendang tanggalin. Ang IAS ay nagtala ng zero-backlog (100 percent) case disposition, kumpara sa naitalang 2.5 percent disposition rate ng nakaraang administra-syon.
“Ganito yan, ang alam ko, ‘pag gumawa ka ng maganda at maayos, siraan at sisiraan ka talaga dyan, Matagal na yan. Susmerosep!” sabi ni Duterte.
Samantala, sinabi ni dating Philippine Coconut Authority (PCA) Director Roque Quimpan na napansin niya bago maupo sa IAS si Triambulo noong Oktubre 2016 ay nagkaroon agad ito ng oposisyon. Narinig aniya ang isang Atty. Marie Lynnberg Constantenopla, bumubulong ng “kakaumpisa pa lang, nagpapa media na” patungkol sa pagbigay ni Triambulo sa ambush interview ni Maan Macapagal ng ABS CBN.
Sinabi ni Quimpan kay Triambulo na nahaharap ang ito sa mabigat ng hamon sa kanyang tanggapan.
Ang PNP-IAS ay nakapag-isyu na ng briefer bilang suporta kay Triambulo, nagsabing ang alegasyon ng sexual harassment ni Ms. Genevieve Lipura ay walang basehan at ang intensyon lamang ay patahimikin si Triambulo sa kanyang multiple administrative cases.
Sa nasabing briefer, sinabing base sa IAS Record, si Lipura ay suspendido ng 6 buwan dahil sa ‘di mga awtorisadong pagliban – nag-AWOL (absence without leave) ng 9 days, at 69 ‘di awtorisadong pagliban.
Sinabing si Lipura ay maraming beses bumiyahe sa ibang bansa nang hindi kumuha ng kailangang travel authority mula sa gobyerno.
Si Lipura ay kasalukuyang iniimbestigahan “for dishonesty and misrepresentation in accomplishing the DTR and attendance forms when she headed the IAS-NCR administrative Division,” saad sa briefer.