Advertisers

Advertisers

Ibinayad sa gunman ni Percy Lapid kinumpirma ng AMLC

0 178

Advertisers

ISINIWALAT ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nasa P550,000 ang idineposito sa account mismo ng self-confessed gunman na si Joel Escorial sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Sinabi ni Remulla, nagpapatunay ito na accurate o tama ang naging testimonya ng gunman.

Pahayag pa ng Justice Secretary na idineposito ang naturang halaga ng kada tranch sa loob ng tatlong linggo at magkakaibang tao aniya ang nag-deposito ng naturang pera.



Ayon pa sa kalihim, ipapaliwanag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga karagdagang detalye pa sa naturang isyu ngayong araw ng Lunes.

Sa ngayon, ayon kay Remulla na nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa pagtukoy sa iba pang mga may kinalaman sa planadong pagpatay sa mamamahayag.

Una nang inamin ni Escorial na nakatanggap ito ng P550,000 sa pamamagitan ng bank transfer matapos patayin si Lapid.

Sa naging panayam naman sa kapatid ni Percy na si Roy Mabasa, kinumpirma nito na nabasa na rin niya ang ilan sa affidavit ng mga testigo tulad na lamang ng pag-ambag ambag ng ilang mga inmates sa Bilibid para mabuo ang P550,000.

Ayon pa kay Mabasa, alam na rin nila ang mga tinutukoy na mastermind pero ipapaubaya na nila sa mga otoridad ang posibleng pag-anunsiyo ngayong araw ng Lunes.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">