Advertisers
TULUYAN nang inalisan ng Supreme Court (SC) ng karapatan o pagkakataong magkaroon ng anumang posisyon sa gobyerno si defeated Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay matapos isumite ni SC Deputy Clerk of Court and Chief Judicial Records Officer Basilia Ringol ang two-page entry of judgement hinggil sa hatol na perpetual disqualification from holding public office laban dating kongresista.
Sa pamamagitan ng dalawang pahinang ‘entry of judgement’ na ito, ibig sabihin ay pinal at dapat nang maipatupad ang naunang desisyon ng SC First Division na kumakatig sa naunang kautusan ng Office of the Ombudsman na patawan ng habambuhay na pagbabawal kay Pichay na humawak ng anumang government position.
“Wherefore, the consolidated petitions are DENIED. The decision dated October 23,2013 and the Resolution dated February 24,2014 rendered by the Court of Appeals in CA – G.R. SP 127341, subject of the petition in G.R. 211515, and Resolutions dated October 18,2016 and November 17,2017 rendered by the Sandiganbayan in SB-16-CRM-0425, SB-16-CRM-0426, SB-16-CRM-0427 and SB-16-CRM-0432 subject of the petition in G.R 236288 are AFFIRMED.” Ang nakasaad sa nabanggit na dalawang pahinang dokumento ng SC.
“And that the same has on August 17,2022 become final and executory and is hereby recorded in the Book of Entries and Judgment.” Dugtong pa nito.
Magugunita na sa 40-page resolution ng SC First Division, na may petsang November 11, 2021, ibinasura high tribunal ang petisyon ni Pichay na ibasura ang kanyang administrative at criminal liabilities, kasunod nang dismissal order na inilabas laban sa kanya ng Office of Ombudsman noong 2001 kung saan kasama dito ang perpetual disqualification from holding any public office bilang accessory penalty laban sa former Surigao del Sur lawmaker.
Si Pichay ay ipinagharap din ng Ombudsman ng kasong graft sa Sandiganbayan bunsod ng pagbili ng Local Water Utilities Administration (LWUA), sa panahong pinamumunuan ito ng una, ng 445,377 shares o katumbas ng 60 percent of shares ng Express Savings Bank Inc. (ESBI) sa halagang P80 million, na walang prior approval mula sa Monetary Board (MB).
Bukod dito, bilang chairman ng LWUA ay inaprubahan diumano ni Pichay ang pagdeposito ng P300 million sa ESBI bilang depository bank ng naturang government utility agency at binasbasan din nito ang paglipast sa nasabing bangko ng karagdagang P400 million bilang capital infusion ahensiya, na hindi rin aprubado ng Monetary Board (MB).
Nito namang nakaraang Agosto, sa 17-page resolution ng Sandiganbayan Fourth Division ay pinanindigan ng anti-graft court ang naging hatol nito kay Pichay na parusang maximum of 10 years imprisonment sa bawat isa ng tatlong kaso ng graft na isinampa laban sa kanya kaugnay pa rin sa maanomalyang paggamit sa P780 million pondo ng LWUA.
Bukod sa pagkakakulong, si Pichay ay pinatawan din ng parusang perpetual disqualification for holding public office kung saan ang nasabing 17-page resolution ay isinulat ni Sandiganbayan Associate Justice Lorifel Lacap Pahimna, na sinang-ayunan naman nina Justices Michael Frederick Musngi at Edgardo Caldona.
Sa kasalukuyan, si Pichay ay walang anumang posisyon sa gobyerno makaraang mabigo sa kanyang reelection bid matapos talunin ni former CWS party-list Rep. Romeo S. Momo, Sr. sa nakalipas na May 2022 elections.