Advertisers

Advertisers

3 timbog sa illegal na pagawaan ng paputok

0 196

Advertisers

ARESTADO ang tatlo katao nang mahuli sa aktong gumagawa ng paputok nang walang kaukulang permiso sa isinagawang operasyon sa Tandang Sora St., Green Breeze 1 Subd., Brgy. Pulong Buhangin, sa bayan ng Sta.Maria Bulacan.

Sa report ni P/Lt. Col. Christian Alucod, hepe ng Sta. Maria MPS kinilala ang mga suspek na sina Manuel Yturralde, Anthony Lucero, at Clinton Mistiola, pawang mga residente sa Brgy. Pulong Buhangin.

Nakuha sa mga suspek ang apat na bundle o 500 rounds ng sawa, isang sako at isang kahon ng 5-star, 10 piraso o 1,000 rounds ng sawa, kalahating sako ng hindi pa tapos na sawa at 5-star, isang bundle ng materyales na papel, isang bundle ng mitsa, at 40 piraso ng higad.



Kasong paglabag sa RA 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices) ang kakaharapin ng mga suspek.(Thony D. Arcenal)