Advertisers

Advertisers

9 pagawaan ng pekeng sabon, shampoo ni-raid!

0 279

Advertisers

Nasamsam ng Food and Drug Administration (FDA) sa Central Luzon, ang mga pekeng produkto na nagkakahalaga ng P300 milyon sa isinagawang pagsalakay sa siyam (9) na establisyimento sa Bulacan.
Katuwang ng Phil. FDA ang NBI-Natioanl Capital Region at NBI Bulacan District Office sa naturang operasyon.

Ayon sa NBI, nagreklamo ang isang multinational company tungkol sa delikadong proseso ng paggawa at ilegal na pagkopya ng kanilang produkto na ibinibenta sa Northern at Southern Luzon.

Kabilang sa nasabing mga pekeng produkto ang bath soap, detergent soap shampoo, dishwashing soap, atbp.



Iniaalok o ibinibenta umano ang nasabing mga produkto per kilo dahil sa mga nasirang packaging at hindi batid ng mga bumibili na mga peke ito.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9711, the FDA Act of 2009, at Republic Act 8293, o kilala bilang Intellectual Property Code of the Philippines ang mga manufacturer.

Pinayuhan naman ang FDA at bilaaan ang publiko tungkol sa pekeng mga prudokto.

“Doon pa lang sa label ng produkto, hanapin po nila ang LTO na tinatawag, ‘yong License to Operate, or kung meron man pong Certificate of Product Notification o Registration” sabi ni Gomel Gabuna, ang North Luzon Cluster Director of the FDA.

“Directive po ng aming new Director General Samuel Zacate na paigtingin ang information drive para ma-inform ang ating mga kababayan sa programa ng FDA.”dagdag pa.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">