Advertisers

Advertisers

Bgy. kagawad pinatay habang nagtratrapik

0 258

Advertisers

Patay ang isang barangay konsehal nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga salarin habang nagtatrapik ito sa kalsada para sa isang kabarangay na ililibing sa Tanza, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Jimbo Villanueva, konsehal ng Barangay Paradahan 2, ng nasabing bayan.

Sa report, 2:30 ng hapon nang maganap ang pamamaril kahabaan ng Barangay Paradahan 2, Tanza, Cavite.



Ayon sa ulat, abala sa pagmamando sa daloy ng trapiko ang biktima para sa ililibing nitong kabarangay nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang mga salarin na nakasout ng itim na jacket at naka-helmet.

Pagtapat ng mga salarin sa biktima agad itong pinagbabaril ng malapitan sa katawan at mabilis na tumakas patungo sa town proper ng Tanza.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang follow up operation ng pulisya sa posibleng pagdakip sa mga salarin at kung ano ang motibo sa pamamaril. (Mark Obleada)