Advertisers
NANUMPA na sa tungkulin ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Camilo Cascolan bilang Undersecretary ng DOH.
Ang panunumpa ay pinangunahan ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge (OIC) at Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Sa isang simpleng seremonya sa DOH, tinanggap ni Cascolan ang trabaho na iniatang sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM).
Gayunman, hindi pa tiyak kung saang pwesto ilalagay si Cascolan dahil hindi pa inilalabas ng Department Personnel ang opisina na pamunuan nito.
Posible ngayong linggo pa lamang ibigay ng DOH kay Cascolan ang magiging trabaho nito.