Advertisers
Nanawagan si Jomalig Mayor Nelmar Sarmiento sa kaniyang mga ka-isla na magkaisa tungo sa progpapaunlad ng kanilang bayan at huwag politikahin ang kani-kanilang mga gampanin.
Sa flag raising kahapon sa harap ng Jomalig Municipal hall ay nakiusap si Mayor Sarmiento sa kanilang mga municipal employee na harapin nila ang pagtatrabaho o kanikanilang gampanin at iwasan ang away politika sa kanilang Isla.
Ang panawagan ay bunsod sa mga ipinapakalat sa social media na bababa na umano sa puwesto si Mayor Sarmiento dahil pinawawalang bisa na ang pagkapanalo nito at sa halip, ang nanalo batay sa naging paghatol ni Infranta Regional Trial Court Branch 65 Acting Presiding Judge Raymundo Sorongon ay si FORMER Mayor Rodel Espiritu ang nanalo sa isinagawang recount.
Ipinunto ni Mayor Sarmiento sa kaniyang panawagan sa mga municipal employee na ang kaso ay hindi pa pinal at hayaan na ang korte o ang Comelec ang magpasiya; kung saan ay siya ang idineklara ng COMELEC na nanalo sa nakaraang halalan.
Aniya, ang mga empleyado ay hindi nararapat na maging partisan at sa halip ay igalang ang pasya ng botohan at siya ang idineklara at pinanumpa.ng Comelec bilang bagong Jomalig Mayor. Marapat umanong ituon ng mga empleyado ang pagtatrabaho sa munisipyo para sa kapakanan ng kanilang mamamayan.
Inihayag naman ni Barangay Bukal Chairman Jose Tapado na si Mayor Sarmiento ang nanalo nitong nakaraang eleksiyon, na hindi umano matanggap ng kanilang dating Mayor na tinalo siya ng bagitong politiko sa kanilang bayan
“Siya po ang nanalong Mayor sa aming bayan. Alam ng taong-bayan na ang idineklara ng Comelec na nanalo ay si Mayor Sarmiento. Sa barangay po namin ay manalo o matalo ay kay Mayor Sarmiento kami,” pahayag ni Brgy. Chairman Tapado.
Ang Jomalig ay maliit na bayan at dulong isla na nasasakupan ng Quezon Province at may population na 10,000 para sa 5 barangay na bumubuo ng Isla at ang registered voter ay nasa mga 6,000.