Advertisers
MASAYA si Diane de Mesa sa kanyang mga award na natanggap kamakailan. Kabilang sya sa mga nominado sa “Philippine Faces of Success” ng Best Magazine. At isa rin sya sa mga binigyan ng “Most Outstanding Singer-Songwriter of Asia” award ng Asia’s World Class Filipino Awards.
Bukod pa rito ay kabilang din sya sa nabigyan ng parangal ng Asian Music Festival ang “Chromium Star Awards” ng ATC PIKO channel. Nagpapasalamat si Diane sa lahat ng sumusuporta sa kanyang musika, at sa mga organization na nagtitiwala sa kanyang kakayahan sa pagiging singer-songwriter.
Maliban pa rito, simula kahapon, Nov. 7 ay mapakikinggan ang mga awitin ni Diane sa Eagle95.5FM (dating Pinas95.5FM) para sa kanyang mga awitin na “Let you go now”, “Tanggap ko na”, “Sana ako na lang”, at “Ikaw pa rin” na duet kasama si Nants del Rosario na isa ring lead vocalist ng InnerVoices.
Mag-follow, listen, and stream ng mga kanta ni Diane sa Spotify, Youtube Music, at iba pang digital platforms.