Advertisers

Advertisers

P206.50-B PARA SA AYUDA SA 2023

0 160

Advertisers

KABUUANG P206.50 billion na pondo ang inilaan ng gobyerno para sa pagbibigay ng ayuda sa ating mga kababayan sa proposed 2023 national budget sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin bunsod ng pandaigdigang inflation.

Kabilang dito ang cash transfers at iba pang subsidy programs mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) ang malaking porsyon ng naturang pondo na nasa P165.40 billion ay mapupunta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa implementasyon ng iba’t ibang soial assistance programs nito habang ang P22.39 billion na pondo ay nakalaan para sa Medical Assistance to Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIFIP) ng Department of Health (DOH).



Naglaan din ng P14.9 billion sa Department of Labor and Employment (DOLE) para mabigyan ng ayuda ang mga displaced workers habang ang Department of Transportation (DOTr) naman ay makakatanggap ng P2.5 billion para sa fuel subsidies para sa transportation sector.

Makakatanggap naman ng P1 billion ang Agriculture department para matulungan ang mga corn farmers at mangingisda sa gitna ng mataas na presyo ng langis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More