Advertisers

Advertisers

Online gambling hihigpitan, GCash ipagbabawal

0 56

Advertisers

ISINUSULONG ni Senador Sherwin Gatchalian ang panukalang magpapataw ng mahigpit na regulasyon laban sa online gambling sa bansa bilang bahagi ng pagsisikap na tugunan ang lumalalang adiksyon sa pagsusugal lalo na sa mga kabataan partikular sa GCash.

“Ang salient points nito, pagbabawalan na gumamit ng GCash sa online gambling, tataasan ang age from 18 to 21, tapos ang minimum bet is P10,000, ang top up is P5,000,” wika ni Gatchalian.

“Naglagay rin kami ng penal provision, kapag hindi ginawa ng mga regulatory agencies ang trabaho nila, pwede silang kasuhan at matanggal sa trabaho at pwede rin silang makulong,” diin ng senador.



Gayunman, sinabi ni Gatchalian sa kanyang inihaing panukalang batas na isa sa kanyang 10 priority measures sa 20th Congress, ay hindi magtutulak para sa total ban sa online gambling upang maiwasan ang mga provider na magtago.

Pinagbabawal din sa nabanggit na panukala ang gambling sponsorships sa mga public events at campaign donations.



Nabatid na mandato rin ang mga regulators na magbigay ng alokasyon sa bahagi na nakolekta nilang regulatory fees para sa pagtatatag ng gambling addiction rehabilitation centers.

“Maraming pamilya ang nasira ang kinabukasan dahil sa online gambling, na lalo pang pinadali ng mga e-wallet — halimbawa na lang ang Scatter,” hirit ni Gatchalian.



Matatandaang noong nakaraang buwan, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na ipinasara ng gobyerno ang 7,000 hindi awtorisadong online gaming websites. (Mylene Alfonso)