Advertisers

Advertisers

Opisyal na logo ng Nazareno 2027 inilabas na ng Quimpo church

0 24

Advertisers

Inilabas ng Quiapo Church ang opisyal na logo para sa Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Enero 2027.
Tampok sa opisyal na logo sina Hesus, San Juan Bautista, ang simbahan, at ang mga lubid na ginagamit sa prusisyon.
Ang tema para sa susunod na taon ay “Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon,” na nangangahulugang “Make straight the way for the Lord,” batay sa Juan 1:23 sa Bibliya.
Ayon sa Quimpo Church sa kanilang Facebook posts , ang simbolo ng Nazareno 2027 ay paanyaya sa bawat deboto na magpatuloy sa paglalakbay sa landas ng pananampalataya, debosyon, at misyon kasama at patungo kay Hesus Nazareno.
Ang kapistahan ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Enero 9, na dinadaluhan ng milyun-milyong deboto, kabilang ang traslacion o prusisyon ng imahe ng Itim na Nazareno.
Mahigit 9.64 milyong deboto ang lumahok sa kapistahan ngayong taon, ayon sa Quiapo Church Command Post. Nalampasan nito ang 8.12 milyong kalahok na naitala noong 2025.
Ang traslacion ngayong taon din ang pinakamahaba sa kasaysayan ng kapistahan, na tumagal ng 30 oras, 50 minuto, at isang segundo. Umalis ito sa Quirino Grandstand ng 4 a.m. noong Enero 9 at nakarating sa Quiapo Church ng 10:50 a.m. noong Enero 10 . (Jocelyn Domenden)