Advertisers

Advertisers

2 estudyante nalitson sa sunog sa boarding house

0 19

Advertisers

NASAWI ang dalawang babaeng estudyante nang ma-trap sa nasusunog na boarding house sa isang residential compound sa Caga-yan de Oro City.
Sa ulat, nangyari ang insidente Biyernes ng umaga sa Barangay Nazareth.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), 6:00 ng umaga nang matagpuan ang mga biktima na kinilalang sina “Sam”, 22 anyos, anak ng may-ari ng bahay; at “Cris”, 20, isang nursing student mula sa Barangay Dalwangan, Malaybalay City, Bukidnon.
Sinabi ni Barangay Nazareth chairperson Atty. Regine Rodriguez, halos hindi na makilala ang mga biktima. Isasailalim ang mga ito sa awtopsiya na isasagawa ng Forensic Unit ng Region 10, na hiniling ng mga pamilya ng mga nasawi.
Ayon sa may-ari, nang malaman niya ang sunog, tinawagan niya ang anak na nasa loob noon ng boarding house pero hindi ito sumasa-got.
Tanghali na nang mailabas ang mga sunog na labi ng mga biktima, na kinilala ng kanilang mga kaanak at kaibigan.
Hindi pa tukoy ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog na umabot sa ikatlong alarma.
Pero ayon sa may-ari ng boarding house, nagpalit sila kamakailan ng mga lumang kawad.
Ayon sa landlord, na ama rin ng isa sa mga biktima, ilang nangungupahan ang nakatalon mula sa ikalawang palapag upang makaligtas. Tatlong ang nagtamo ng mga sugat at dinala sa ospital.
Sa paunang ulat ni Cagayan de Oro Fire District Chief Operations Senior Inspector John Rey-an Donasco, humigit-kumulang 48 katao ang naapektuhan ng sunog. Apat na bahay ang natupok, at nasa P800,000 ang napinsalang mga istraktura.
Sinabi ng mga awtoridad na wala silang nakitang paunang indikasyon ng foul play sa insidente.