Advertisers
NASA 2,719 police personnel ang napatawan ng kaukulang mga kasong administra-tibo kaugnay ng pagkakasangkot sa iba’t ibang iligal na aktibidades mula Enero hanggang Setyembre 2026.
Sa datos, ayon kay PNP Chief General Jose Nartatez Jr., mula 2,719 nakasuhan, 713 ang sinibak sa serbisyo matapos mapatunayan guilty; 1,324 ang napatawan ng suspensyon, 112 ang demoted, 437 na-reprimand, 59 ang forfeiture ng salary, 22 ang under restriction, at 5 tinangalan ng privileges.
Sinabi ni Nartatez na nagpapakita ang hakbang na hindi kinukonsente ng PNP ang mga pulis na nasasangkot sa mga ilegal na gawain.
Aniya, “kung gusto nating pagkatiwalaan tayo ng publiko, kailangan magsimula iyon sa loob ng ating orga-nisasyon.”
“Kapag may pagkukulang o paglabag, kailangang tugunan ito sa tamang proseso. That is part of being accountable to the people we serve,” dagdag ni Nartatez
Isinaad ni Nartatez na pa-tuloy ang PNP sa isinasagawa nitong internal discipline, promote professionalism at accountability sa hanay ng pambasang pulisya.(Mark Obleada)