Advertisers

Advertisers

PINOY-MORO SA NASABAT NA P3.5B SHABU SA LAOS KONEKTADO SA ‘DAVAO MAFIA’

0 25

Advertisers

NAGNGANGALANG Dibarosan Fahad (Dibaroson Fahad) ang pangalan ng pasaherong Pilipino na inaresto ng mga awtoridad sa Laos matapos maharang ang malaking bulto ng 521 kilo ng shbu sa Luang Prabang International Airport noong Oktubre 1, 2026.
Kinumpirma ng charter flight operator na siya ang nag-iisang pasahero sa loob ng naturang pribadong erop-lano.
Kasalukuyang nakapiit si Fahad sa Laos habang nagtutulungan ang mga pulisya roon, kasama ang mga international narcotics unit mula sa Malaysia at Pilipinas upang matunton ang mas malawak na cross-border drug syndicate sa likod ng bilyon-bilyong pisong kargamento na ito.
Wala pang opisyal na pahayag ang awtoridad ng Pi-lipinas sa totoong pangalan o pagkakilanlan ng natu-rang Pilipino na nahuli sa Laos.
May lumabas na ulat sa Laos na si Fajad ay konektado sa Davao mafia.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.