Advertisers

Advertisers

Dragon Lady ng Malacanang super bagyo kay Code 1?

0 96

Advertisers

Mukhang maagang mai-intriga ang “bata” daw ng grupo ni Dragon Lady na ka-a-appoint pa lang sa Bu.of Customs na si ex-OCD Director Ariel Nepomuceno. Pinalitan nya ang masipag at high performing na si Commissioner Bienvenido Rubio, Boss Ariel Nep tanong lang po bata ka ba ni Dragon Lady?

Ito ang matindi mga Ka Usapang HAUZ kakaiba na talaga ang sistema ngayon! Pag masipag ka, dedicated sa trabaho, at hinahabol ng husto ang mga smugglers at mandurugas, lalo na sa kampanya laban sa illegal drugs… ah, tsugi ka! Pero yung sabit sa bidding, kaaway ng mga kapwa nya commissioner, hindi nakaka-goal at panay bulakbol… stay!!!! Bahala sa kanila si Ninang!

Teka muna mga Ka Usapang HAUZ sa pagkaka-alam ko eh “asset” ni Speaker si Comm Rubio? Wow, mas bagyo na pala si Dragon Lady kesa sa House Speaker! Matindi pala sa bulungan si Madam M. Aba, hindi na talaga masukat ang lalim nito kay Code1, o baka naman hindi alam ni Code 1 nagtatanong lang po?

Ilang beses na rin siyang na-appoint at naalis bilang deputy commissioner from PNoy time hanggang sa administrasyon ni Mayor Digong. Best friends ba sila ni Ruffy Biazon noon? Kumusta ba ang Friday meetings noon sa Manila Hotel?

Pero, mabuti na lang hindi nya kailangang dumaan sa Commission on Appointments at baka masita sya ng husto ni Sen. Ping Lacson. Bakit kaya hindi sya “like” ni Sen?

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036