Advertisers

Advertisers

kelot huli sa large-scale illegal recruiter sa loob ng piitan

0 36

Advertisers

Muling inaresto ng pulisya ang isang wanted person sa Caloocan nang matuklasan ng pulisya na may malaking kasong kinakaharap pa ito.

Kinilala ni Caloocan police chief PCol. Joey Goforth ang akusado na si alias “Rod”, 55, residente ng Las Piñas City.

Sa ulat kay Northern Police District PBGen. Arnold E. Abad, 5:30 loob ng hapon nitong Lunes nang maaresto ang lalaking wanted sa loob ng Custodial Facility Unit ng Caloocan City Police Station sa Samson Road, Barangay 80, Caloocan City habang nakapiit.



Isinilbi ang warrant sa akusado na may kasong Syndicated Illegal Recruitment in Large Scale, na inisyu ni Hon. Eda P. Dizon-Era, Presiding Judge ng RTC Branch 60, Angeles City na may petsang October 28, 2020.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng pugante.
Ililipat ang nagtago sa batas ng limang taon sa City Jail sa sandaling ibaba ang commitment order ng hukuman.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">