Advertisers

Advertisers

Good job, Gen. Torre

0 8,067

Advertisers

BILIB ako sa liderato ngayon ni General Nicolas Torre sa Philippine National Police (PNP).

Oo! Sa mga aksyon na ginagawa ni Torre, simula nang italaga siya sa puwesto ni Pangulong “Bongbong” Marcos, naging mabilis ang pagkilos ng mga pulis sa mga nangangailangan ng tulong ng pulisya. Ilang minuto lang, pagtawag sa kanila, nandiyan na ang mga operatiba. Mapapa-WOW! ka talaga.

Sa mga ginagawa ngayon ni Torre, na sibakin agad sa puwesto ang tamad na opisyal, mabilis pa sa alas-kuwatro, ora mismo, ang mga pulis, unlike before na nagkukuya-kuyakoy lang ang mga ito sa malamig nilang opisina.

Pero, General Torre, Sir!, baka naman ningas cogon lang yan, sa umpisa lang ag liyab.

Anyway, mabuhay ang liderato mo, Gen. Torre, Sir!

***

Grabe ang problemang iniwan ni Honey Lacuna kay Yorme Kois sa Maynila. GABUNDOK ng basura!!!

Almost P1 BILLION daw ang utang ngayon ng Manila govt. sa mga kontraktor ng basura. Ilang buwan kasi na hindi binayaran. Kaya hindi narin naghakot ng basura ang mga kontraktor. May rason naman sila!

Ang tanong: “Bakit hindi nabayaran ang mga garbage contractor? Saan napunta ang budget sa basura? Malamang inubos noong nakalipas na eleksyon o binulsa ng mga buwaya sa kampo ni ex-Mayor Lacuna!

Hindi dapat palagpasin ito ni Yorme Kois. Ipakalkal n’ya ang pagkawala ng budget sa basura. Tiyak may mga naging multi-milyonaryo dyan, Mismo!

Pramis naman ni Kois, in few days ay malilinis na ang mga kalye ng Maynila sa basura. Ang dating kontraktor, Leonel Waste Management, ang naghahakot ngayon. Libre daw muna ito sabi ni Kois. Very good!

Mabuhay ka, pareng Kois!!!

***

Inayawan ng Australia at Belgium ang hirit ng kampo ni ex-President Rody Duterte na sa kanilang bansa muna manatili ang huli habang nililitis sa International Criminal Court (ICC).

Sabi ng naturang mga bansa, ayaw nila sa dating lider na bastos, walang galang at lapastangan sa human rights.

Hiniling kasi ng kampo ni Duterte sa ICC na bigyan ng ‘interim release’ ang dating pangulo sa bansang miembro rin bg ICC. Ito’y para raw makapag-relax naman ito dahil nga lagpas 80 anyos narin.

Pero kaagad ni-reject ng naturang mga bansa ang hirit ng kampo ni Digong na sa kanila muna manatili ang dating pangulo.

Anyway, tinutulan narin ng ICC na mabigyan ng interim release si Duterte. Posible raw kasi na tumakas ito, at malaking banta sa seguridad ng pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings kaugnay ng “pekeng” war on drugs nakaraang administrasyon.

Sa madali’t salita…sa ICC detention facility parin si Digong habang hinihintay ang paglilitis sa kanyang kinakaharap na kasong ‘crimes against humanity’. Period!

***

Dapat iparebyu ng Marcos administration ang naging kaso ni dating Deputy Ombudsman Arthur Carandang na sinibak ng walang kaabog-abog, walang due process, ni Duterte noon.

Ang naging kasalanan lang noon ni Carandang ay pinatunayan niya na tama, orig, tugma ang dokumentong hawak ni dating Sen. Antonio Trillanes galing sa AMLC hinggil sa bank accounts at bilyones na laman nito, mga salapi na hindi nakadeklara sa SALN.

Hustisya para kay Carandang!