Advertisers
INARESTO ang pitong miyembro ng Manila Police District (MPD) sa pangongotong sa asawa ng isang lalaki na kanilang hinuli kapalit ng pagpapalaya nito batay sa National Capital Region Police Office Chief, Major General Anthony Aberin.
Ayon kay Aberin, ang pitong pulis ay kinabibilangan ng isang Lieutenant, 3 Staff Sergeant at 3 Patrolmen na nakatalaga sa Anti-Drug Unit ng MPD Station 5.
Kasalukuyang isinailalim ang nasabing mga pulis sa restrictive kustodya habang sumasailaim sa imbestigasyon sa paghahanda ng kasong administratibo.
Isinagawa ang operasyon 11:00 ng gabi ng mga elemento ng Regional Intelligence Division, MPD sa Police Station 5 sa Ermita, Manila.
Sinabi ni Aberin na inaresto ang pitong pulis matapos ang isinagawang validation sa report at reklamo laban sa mga ito sa kanilang iligal na aktibidades.
Nabatid na inaresto ng pitong pulis ang isang 49-anyos na lalaki at dinala sa nasabing police station sa kasong illegal drug noong June 20, 2025.
Sa presinto, nanghihingi ang nasabing mga pulis ng halagang P50,000 sa asawa ng lalaki kapalit ng pagpapalaya dito at hindi pagsasampa ng kaso. Nagkasundo sa halagang P20,000 na ibinigay sa pamamagitan ng “mobile transfer” at pinalaya ang lalaki nang walang kaso.
Agad naman nagharap ng reklamo ang mag-asawa laban sa mga nasabing pulis. Nang makarating ito sa mga pulis ay isinasauli ang nasabing halaga upang hindi na ituloy ang reklamo.
Narekober sa pitong pulis ang 7 mobile phone na ginamit sa extortion, 5 Police ID, screenshoot ng digital transaction at converstion, remittance record ng P20,000.
Nahaharap ang 7 pulis sa mga kasong robbery-extortion, grave threats, arbitrary detention, at paglabag sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at PD 1829 (Obstruction of Justice).(Mark Obleada)