Advertisers

Advertisers

2 natusta sa live wire sa Batangas

0 174

Advertisers

NASAWI ang dalawang katao nang makuryente habang naglilinis ng palaisdaaan nitong Lunes sa Barangay Nonong Casto ng nabanggit na bayan.

Kinilala ang mga nasawi sa pagkakakuryente na sina Renante Batchar at Mark Anthony Bethel mga nasa hustong gulang.

Base sa report ng Lemery Municipal Police Station, kasalukuyang naglilinis ang mga biktima ng aksidenteng makuryente sa live wire na nakakabit sa ginamit nilang submersible pump dahil sa lakas ng boltahe ng kuryenteng dumaloy sa kanilang mga katawan nagtamo ang mga ito ng paso at matinding pinsala sa iba’t-ibang parte ng kanilang mga katawan.



Naisugod pa sa Batangas Provincial Hospital ang mga biktima subalit idineklarang Dead on arrival (DOA) ng rumespondeng doktor na si Dra. Divina Gracia Landicho.(KOI LAURA)