Anti-COVID vax sa Mla run hospitals tuwing weekend, tigil na
Advertisers
INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na hinto na muna ang anti-COVID vaccinations sa mga city-run hospitals tuwing weekends.
Sinabi ni Lacuna na nagsimulang ihinto ang hospital vaccinations tuwing weekends noong Oct. 28. Ito ay upang bigyan ng sapat na panahon ang mga health care workers na ibalik ang kanilang normal daily operations sa mga ospital kung saan sila orihinal na naka-assigned.
Gayunman, sinabi ng alkalde na tuloy pa rin ang mga schedule of vaccination sa apat na designated shopping malls, six district hospitals at 44 health centers tuwing weekdays.
Ayon sa lady mayor, hanggang October 28, 2022, ang kabuuang bakuna na na-administer na ay nasa 3,830,266.
Ayon pa dito ay matagal ng nalagpasan ng Maynila ang target number ng eligible population na kailangan na mabakunahan. Kasabay nito ay patuloy ang panghihikayat ng alkalde sa lahat ng hindi pa nababakunahan at natuturukan ng booster na magpabakuna at magpa-booster na.
Binigyang diin ni Lacuna na hindi dapat mag-relax ang mamamayan kahit bumaba na ang bilang ng tinatamaan ng COVID-19 pati na rin ang positivity rate nito, dahil nananatili lamang ang COVID sa paligid.
Inanunsyo din ni Lacuna na ang occupancy rate sa anim na pagamutan na pinatatakbo ng lungsod ay nasa six percent na lamang at ang lahat ng mga ito ay moderate cases.
Sinabi pa ng alkalde na sa loob ng nakalipas na dalawang linggo, ang lungsod ay nakapagtala lamang ng 52 na nagpositibo o 3.73 percent ng total number ng indibidwal na nagpa-RT-PCR test. (ANDI GARCIA)