Advertisers
IBINUNYAG ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nagsimula nang gumamit ng mga bagong paraan ang mga inmate sa pagpapalusot ng mga kontrabando gaya ng iligal na droga sa kanilang mga selda.
Ayon kay Jail Superintendent Xavier Solda, spokesperson ng bureau, regular silang nagsasagawa ng greyhound operations sa mga jail facility.
Nagsasagawa rin sila ng random checking sa mga selda ng kulungan upang matiyak na malinis ang mga ito sa mga kontrabando.
Ngunit sinabi ng tagapagsalita ng bureau na kamakailan lang nila napansin na ang mga Person Deprived of Liberty (PDLs) ay sumulong din sa kanilang mga paraan upang makalusot ang kanilang mga kontrabando.
Natuklasan anilang gumagamit na ito ng drones.
Dagdag pa ni Solda, kasama si BJMP Jail Director Allan Iral na nangako ng “two steps ahead” sa pag-secure ng mga jail facility.
Binanggit din niya na ang mga local government unit, naglabas ng mga ordinansa na nagbabawal sa pagpapalipad ng unmanned aircraft o drones sa jail facilities dahil ito ay nagdudulot ng mga alalahanin sa seguridad para sa bureau.