Advertisers
NASAWI sa pananambang ang isang teacher-editorial cartoonist Sabado ng gabi sa Sultan Kudarat.
Ayon sa deputy regional director for operations ng Police Regional Office-12 na si Colonel Jean Fajardo, mayroon na silang persons of interest sa pagpatay kay Benharl Capote Kahil. Hinihinalang matinding galit ang motibo sa krimen.
Bandang 10:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Barangay Pasandalan, Lebak. Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at pauwi na nang tambangan.
Dead-on-the spot ang biktima sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.
Sinabi pa ni Fajardo, maliban sa personal na galit, hindi rin inaalis na may posibilidad na may kinalaman sa trabaho ang motibo sa krimen.