Advertisers

Advertisers

‘Modus’ buking!: 3 ‘ipit-taxi’ timbog sa Maynila

0 141

Advertisers

Arestado sa Maynila ang tatlong taxi driver na miyembro ng ‘sampa-ipit taxi gang’ na ang mga target mga dayuhang turista.

Inaresto ng National Bureau of Investigation Anti-Organized and Transnational Division (NBI-AOTCD) ang mga suspek na sina Ryan Espadero, Darryl Eugenio at Ramil Talampas sa isang entrapment operation sa Malate.

Sa report, modus ng mga suspek na magsakay ng mga dayuhan at saka hoholdapin sa gitna ng kalsada.



Ito rin ang parehong modus na sinapit ng magkasintahang Koreano na nakuhanan sa CCTV camera nang ilaglag sa taxi sa Navotas City noong September 19.

Nakuha sa mga biktima ang kanilang pera, mga gadgets, at gamit na nagkakahalagang P500,000

Ayon kay NBI-AOTCD supervising agent Darwin Francisco, madalas na nabibiktima ng mga suspek ang mga Koreans, Chinese, Indian at Japanese nationals na sumasakay ng taxi sa Malate o kaya BGC Taguig.

“Ngayon, ‘pag naisakay nila ‘yun, may dalawang taxi pa rin na bubuntot. Itong unang taxi, nagkukunwari na nasiraan. Siyempre nasiraan, ‘yung foreigner naman bababa at papara ng ibang taxi. ‘Pag naisampa na ‘yun sa pangalawang taxi, hindi alam ng foreigner na naka-child lock ang pintuan sa likod, o-overtake itong pangatlong taxi, sakay itong nahuli natin ngayon, ‘yung leader at assistant leader,” aniya.

“Tatali nila ang biktima sa loob at lilimasin nila ang pera, gadgets, mga alahas. Tapos pipili sila ng lugar kung saan iiwanan ang biktima na foreigner,” pahayag pa niya.



Kapag mahigit P1 million ang nakuha ng mga suspek, sinabi ni Francisco na papatayin nila ang biktima para hindi makapaghain ng reklamo.

Sa loob ng taxi, nakuha sa mga suspek ang isang caliber 38, isang caliber 45, isang granada, duct tape at gunting.

Sinabi ni NBI spokesperson Atty. Giselle Garcia-Dumlao na dumaan sa inquest proceedings ang mga suspek at kinasuhan sa paglabag ng Comprehensive Firearms Ammunition and Regulation Act at Illegal Possession of Explosives.