Advertisers
SUMUGOD sa munisipyo ng Jomalig, Quezon ang mga taga-suporta ng natalong mayor na si Nelmar Sarmiento sa ikinasang manual recount na inihain ng katunggali nito na si Rodel Espiritu.
Ito ay makaraang maglabas ng desisyon ang Regional Trial Court ng Infanta, Quezon ng resulta ng recount at lumitaw na talo si Sarmiento.
Sa nagdaan May 2022 elections, iprinoklama si Sarmiento bilang nanalong mayor ng bayan na may lamang na 13 boto laban sa incumbent mayor noon na si Espiritu.
Hindi natanggap ng incumbent mayor na natalo siya kung kaya’t naghain ito ng election protest sa Regional Trial Court, dagdag pa ang marami umanong iregularidad sa nangyaring botohan.
Dahil dito, isinagawa ang manual recount at lumabas na lumamang pa ng 18 boto ang nagprotesta na si Espiritu.
Idineklara si Espiritu na tunay na nanalo at inutusan si Sarmiento na bakantehin ang pwesto nito sa pamamahala ng tunay na nanalo.