Advertisers

Advertisers

Pamangkin ni-rape ni uncle

0 301

Advertisers

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang lalaki na gumawa ng kahalayan sa menor de edad na pamangkin sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte.

Inaresto ng mga tauhan ng Capalonga Municipal Police Station sa suspek na kinilalang si alyas Jay 32, may asawa at residente ng naturang bayan nitong Martes ng umaga, Nobyembre 8.

Sa bisa ito ng warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 64, sa Labo, Camarines Norte na may petsang November 2, 2022 dahil sa kasong paglabag sa Section 5 (B), Article III ng Republic Act 7610 o Child Abuse dahil sa Lasciviousness Conduct.



Ayon sa pulisya, ginawan umano ng kalaswaan ni alyas Jay ang kanyang 14 anyos na pamangking babae na naganap noong buwan ng Hulyo taong kasalukuyan.

Nagrekomenda ang hukuman ng halagang P200,000.00 piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek na nasa kustodiya ngayon ng naturang Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.