Advertisers
Muling isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Caloocan sa pamamagitan ng kanilang Public Employment Service Office (PESO) ang Mega Job Fair nitong araw ng Huwebes, November 10, 2022.
Katuwang ng Caloocan PESO ang DZXL Radyo Trabaho kung saan ginanap ang Mega Job Fair sa Caloocan Sports Complex sa Bagumbong Road, Barangay 171.
Nagsimula ang job fair 9:00 ng umaga at tumagal ng hanggang 3:00 ng hapon.
Nasa 53 na local company at 2 overseas ang kasama sa Mega Job Fair kung saan nasa 6,500 na trabaho ang iaalok dito.
May itinalaga rin na one-stop-shop para sa pre-requirement tulad ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Statistic Authority (PSA) at Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno (Pag-IBIG).
Maraming mga residente ng Caloocan ang nagkaroon ng pagkakataon na makakuha ng trabaho sa isinagawang Mega job fair.