Advertisers

Advertisers

Pulis kulong sa pagbabanta na ikakalat ang sex video ng ex-gf ‘pag ‘di uli makipag-sex

0 254

Advertisers

NAHAHARAP sa patong patong na kaso ang isang aktibong pulis nang arestuhin ng mga elemento ng Philippine National Police- Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) nang pagbantaan ang dati nitong kinakasama na ipapakalat ang mga hubad nito sa video kung hindi makikipag-kita sa isinagawang entrapment operation sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Kinilala ang pulis na si Patrolman Julius Ramos, nakatalaga sa Service Support Division Intelligence Group sa PNP headquarters, Cramp Crame.

Ayon ay B/General Warren de Leon, director ng PNP-IMEG, 12:30 ng madaling araw nang isinagawa ang entrapment operation sa isang appartel hotel sa Barangay Mangahan, San Jose Del Monte City.
Isinagawa ang entrapment operation nang humingi ng tulong at magreklamo ang dati nitong kinakasama nang pagbantaan na ilalabas at ipapakalat sa social media ang mga kuha nito video kung hindi ito makikipagkita sa una.



Ipinangko ng suspek sa biktima na ide-delete ang mga kuhang video sa kanyang cellphone kung makikipagtalik ang huli.

Inaresto ang suspek ng mga operatiba sa nasabing appartel kasama ang biktima nang magbigay ito ng hudyat.

Nasa kustodiya ng PNP-IMEG ang pulis at nahaharap sa kasong ‘grave coercion’, at paglabag sa cybercrime prevention Act, at RA 9995 Photo and Voyeurism. Bukod sa kasong criminal, nahaharap din sa kasong administrative si Pat. Ramos.(Mark Obleada)