Advertisers
NASAWI ang isang kasapi ng 6th Infantry Division na nakatalaga sa 6th CMO na nakabase sa PC Hill RH-1 nang tambangab sa Cotabato City.
Kinilala ang nasawi na si Corporal Ramil Upam Lagiuman, habang sugatan ang kanyang kasamang si LTC Maniago Balayman Macalantagui na kasalukuyang nakatalaga sa Office of the Presidential Adviser on Peace Process.
Sa ulat, naganap ang pamamamaril 7:00 ng gabi ng Sabado sa bahagi ng Sinsuat Avenue, Rosary Heights 9, Cotabato City.
Ayon sa impormasyon mula sa City Police Station 2, papauwi na ang mga biktima sakay ng isang kulay pulang Mitsubishi Montero Sport (ZAA 8652) nang pagbabarilin ng riding in tandem.
Nagtamo ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo si Lagiuman. Naisugod pa ito sa pinakamalapit na pagamutan subali’t idineklarang dead on arrival ng doctor na sumuri.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa insidente.