Advertisers

Advertisers

PBBM INATASAN ANG KAMARA PAG-ARALAN TANGGALIN ANG VAT SA ILANG PUBLIC UTILITIES/SERVICES

0 155

Advertisers

INIUTOS ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na pag-aralan ng Kamara ang posibilidad na tanggalan ng Value Added Tax (VAT) ang ilang public utilities na binabayaran ng publiko lalo na ang kuryente.

Kinumpirma ito ni House Ways and Means Chair at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na

Sinabi ni Salceda, kasunod na rin ng pagbuhay muli ng Makabayan Bloc ng mga panukalang alisin ang 12% VAT sa “systems loss” ng kuryente, electric at water bills, pati sa toll fees.



Ayon sa economist solon, ang kautusan ng pangulo ay ipinarating sa pamamagitan ng intermediaries secretary noong buwan ng Oktubre, bilang tugon sa iba’t ibang isyu sa ekonomiya ng bansa, at para na rin sa kaluwagan ng mga consumer.

Sinabi ni Salcedo, seryosong pinag-aaralan ng Ways and Means panel ng Kamara ang pag-alis ng VAT sa utilities, habang titingnan ang pagtaas ng “franchise tax” ng utility companies partikular sa tubig.

Punto ni Salceda, kailangang maging maingat at iwasan ang anumang negatibong epekto sa kita ng pamahalaan.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Salceda ukol sa kautusan ni Pangulong Marcos, pero sinabi ang kongresista nagsumite na siya ng rekumendasyon sa Office of the President.

Sa sandaling maisalang ang mga Anti-VAT Bills sa Ways and Means committee, ay ilalahad din ang findings ng komite.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">