Advertisers

Advertisers

Army Major patay sa sariling baril

0 271

Advertisers

ISANG military official ang nasawi sa sarili nitong baril sa loob ng kanilang barracks sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Army Major Reynaldo Cañete ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Batay sa ulat ni Police SSG Jayson Magbanua ng Tanay Municipal Police Station, 12:50 ng hapon nang madiskubre ang insidente sa loob ng Old Central Barracks Building ng Camp Capinpin sa Barangay Sampaloc,Tanay, ngunit nai-report lamang 3:30 ng hapon.



Sa salaysay ng testigong si Army Major Dave Anthony Papael, nakita niya ang biktima na duguan at walang malay na nakahiga sa kanyang higaan sa loob ng silid.

Napuna rin aniya sa tabi ng biktima ang service firearm nito, Glock 17 pistol na may serial number AFP029823.

Ayon kay Police Lt. Colonel Rodolfo Santiago, hepe ng Tanay MPS, kaagad isinugod ang biktima sa Army Station Hospital Camp Capinpin upang malapatan ng lunas sa tama ng bala sa ulo nito. Kalaunan ay isinakay ito ng helicopter upang ilipat ng pagamutan ngunit binawian na ito ng buhay.

Hinala ng mga otoridad, accidental firing ang naganap. Posible umanong naglilinis ng baril ang biktima at aksidenteng nabaril ang sarili.

Gayunman, patuloy parin ang imbestigasyon sa kaso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">