Advertisers
PINAALALAHANAN ni PNP Chief, General Rodolfo Azurin, Jr., ang lahat ng pulis na bawal tumanggap ng mamahaling regalo o mag-solicit ngayong Pasko.
Ayon kay Azurin, alinsunod ito sa “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees” na itinakda ng Civil Service Commission.
“Of course talagang alam natin na bawal na bawal yan that’s why we are directing our PNP units nationwide na to refrain susulat ng tema ng Merry Christmas, mga ganyan. Alam natin na siyempre common yan, parang yung reciprocity, but this time sabi ko nga puwede ba maging strikto tayo,” wika ni Azurin
“Unang-una, alam naman natin na nanggaling, ang hirap ng buhay. Lots of jobs had been lost, lots of businesses are still recovering. So part of the we refrain from soliciting. No solicitation is allowed especially kung yung nagso-solicit yung PNP sa iba’t ibang agencies whether private or non-governmental organizations”, paliwanag ni Azurin.
Nagbabala pa si Azurin na maaring maharap sa kasong administratibo at kriminal ang sinumang tauhan ng PNP na lalabag sa nasabing direktiba.
“Dinoble na nga ng dating Pangulong Duterte ang suweldo natin tapos tatiyagain mo yung P2,000, P5,000. It will cost kahit na gaano ka noble yung intention mo, it’s not worth yung mawawala sa iyo,” pahayag ni Azurin.(Mark Obleada)