Advertisers
NASAWI ang isang miyembro ng Quezon City Police District SWAT Team sa hot pursuit operation laban sa indiscriminate firing nitong Linggo ng hapon sa lungsod.
Kinilala ni QCPD Director, Brigadier General Nicolas D Torre III, ang nasawing pulis na Corporal Noel Ogano, habang sugatang ang kasamahan nitong opisyal na si Lt. Colonel Jerry Castillo.
Kinilala naman ang suspek na si Martin Marlot Nuñez, 42 anyos, dating Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) cadet at residente ng Barangay 177, Caloocan City na nasa ilalim ng impluwensya ng alak at umano’y sangkot sa indiscriminate firing na nangyari 10:30 ng umaga ng Nobyembre 13, 2022 sa Bougainvilla St., Maligaya Park, Subd., Brgy. Pasong Putik Proper, Quezon City.
Dahil sa takot at pagkaalarma ng residente sa lugar, agad iniulat ng testigo na si Jayvee Calim sa Pasong Putik Police Station (PS 16) ang insidente.
Sa hot pursuit operation ng mga operatiba ng police station kasama ang QCPD SWAT Team sa pangunguna ni Col. Castillo, nagtungo ang mga operatiba sa bahay ni Nunez sa Palmera Homes, Nova East, Maligaya Parkland, Brgy. 177, Caloocan City.
Hiniling ng mga operatiba kay Nunez na kusa itong sumuko, subalit sa negosasyon, pinutukan nito ang mga pulis, dahilan para magkabarilan. Nasawi si Nuñez at si .Ogano habang sugatan si Col. Castillo.