Advertisers

Advertisers

TULFO: BILYONES NA INTEL AT CONFIDENTIAL FUNDS DAPAT DIREKTA IPALIWANAG NI PBBM SA MAMAMAYAN

0 225

Advertisers

SINABI ng dating broadcaster ngayo’y senador na si Raffy Tulfo na makabubuti sa Office of the President na ipaliwanag ng direkta sa publiko ang bilyon-bilyong confidential at intelligence funds (CIF) na hinihingi nito sa proposed 2023 national budget.

“They have to explain that to the people. Mas maganda kung manggagaling sa kanila to explain directly to the people, to the media, kung bakit the big amount that they’re requesting is justifiable para maging confidential funds for a certain year,” sabi ni Tulfo sa panayam ng ANC.

Bago ito, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ipinanatili lamang ng kasalukuyang administrasyon ang confidential at intelligence funds na nakaalote sa Tanggapan ng Presidente ng nakaraang administrasyon nang bigyang-diin niya na maging maluwag sa budget para maging “responsive to the requirements of inter-national and domestic security.”



Nitong nakaraang linggo, kinuwestyon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III kung bakit kailangan maglaan ng P4.5 billion confidential at intelligence funds sa Office of the President gayong mayroong mga ahensiya na ang mandato ay ang mangalap ng confidential information.

Sinabi ni Tulfo, tumakbong independent sa nakaraang 2022 election pero kabilang sa majority bloc ng Senado, mananatili siyang “neutral” sa isyu ng confidential at intelligence funds at kung kinakailangan ay imbestigahan niya ang departamento na talagang nangangailangan ng naturang mga pondo.

Para sa 2023, sinabi ni Pimentel na mayroong P9.3 billion CIF na nakalaan para sa iba’t ibang departamento, kabilang ang P500 million para sa Office of the Vice President, P150 million para sa Department of Education, at P19.2 million para sa Office of the Solicitor General.

Sinabi niyang ang tatlong ahensiya ay walang CIF sa ilalim ng 2022 national budget.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">