Advertisers

Advertisers

Kustomer nangholdap ng burger house

0 212

Advertisers

HINOLDAP ng isang lalaki na nagpanggap na customer ang tindahan ng burger sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Sa ulat, makikita sa CCTV ng tindahan na nakasuot ng cap at jacket ang isang lalaki.

Iwinawasiwas ng lalaki ang isang puting plastik, at bumunot ito ng baril.



Nabalisa ang babaeng empleyado ng tindahan kaya inilagay na niya ang pera na kinita ng tindahan sa plastic. Matapos nito, naglakad na papalayo ang holdaper.

Hindi pa nakababalik ang biktima sa kaniyang trabaho dahil sa trauma.

Tiniyak ng Barangay Commonwealth na paiigtingin pa nila ang pagpapatrolya sa lugar, at handa rin silang tulungan ang biktima na magreklamo sa pulisya.