Advertisers
ARESTADO ang isang pulis at kawani ng munisipyo nang mahulihan ng shabu sa buy-bust operation sa bayan ng Gingoog, Misamis Oriental.
Kinilala ang mga nadakip na sina Police Staff Sgt. Kenneth Lofranco, naka-floating status sa Regional Police Holding and Accounting Office (RPHAO) Camp Alagar; at Divina de Lima, empleyado ng city veterinary office. Ang dalawa ay residente ng Purok 1, Barangay 24, Gingoog City.
Ayon kay PDEA-MisOr Provincial Director Expedito Cardona Jr., nakuha sa dalawa ang 10 gramo ng shabu at baril ni Lofranco sa drug buy-bust operation sa kanilang bahay.
Sinabi pa ni Cardona, inilagay sa floating status si Lofranco dahil sa akusasyon na paggamit at pagbebenta nito ng iligal na droga.
Nahaharap ang dalawa sa paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.