Advertisers
Dead on the spot ang 46 anyos na rider nang bumangga at magulungan ng tractor head na may trailer, nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Percival Bunayog y Dacanay, binata, at residente sa Sitio Lazo Santa Rita Guiguinto, Bulacan.
Sa ulat, 7:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng northbound lane ng Roxas Boulevard kanto ng Pablo Ocampo Street Malate, Manila.
Ayon sa report, minamaneho ng biktima ang kanyang Honda Click na may plakang 987-ROB nang bumangga ito sa Isuzu Tractor head na may trailer na may plakang ADH-2632 at minamaneho ni Ronald Sorro y Perceba, 41, ng Nabaong Garlang San Ildefonso, Bulacan
Kapwa umano binabagtas ng biktima at ni Sorro ang nasabing lugar nang pagsapit sa kanto ng Pablo Ocampo Street nang bumangga ang kanyang motorsiklo sa kaliwang bahagi ng trak.
Nang bumagsak ang biktima saka naman nagulungan ito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.(Jocelyn Domenden)