Advertisers

Advertisers

16 preso sa Bilibid nasawi kada buwan mula Enero- Oktubre 2022

0 170

Advertisers

LABING-ANIM na inmates ng New Bilibid Prison (NBP) ang nasawi kada buwan mula Enero hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon.

Batay ito sa examination ng forensic expert, Dr. Raquel Fortun, sa Eastern Funeral Services, ang tanging funeral home na accredited sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Dr. Fortun, 176 ang nasawing inmates. Isa dito nangyari Disyembre 13, 2021 at ang huli ay November 6, 2022.



Pinakamataas na bilang ng mga namatay na bilanggo sa loob ng isang araw sa Bilibid noong Marso, 24 at ang pinakamababa ay noong Abril, 10.

Mula sa halos 200 inmates na nasawi, ang average age ng mga pumanaw ay 56 anyos. Ang pinakamatanda ay edad 82, habang ang pinakabata nasa 27.

Sa ngayon, ang hawak pa lamang ni Dr. Fortun ay ang unang pahina ng death certificate ng mga inmate.

Habang nakatakda pa lamang punan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga dahilan ng pagkasawi ng ibang inmates.

Sa 40 death cases, may ilang nakalagay na ‘dead on arrival’, ‘undetermined’ at ‘for autopsy’ na pareho sa nakasulat sa death certificate ng namatay na inmate na si Jun Villamor, ang middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.



Kung matatandaan, nagsagawa ng re-autopsy si Dr. Fortun sa labi ni Villamor at nadiskubreng namatay ito mula sa ‘plastic bag suffocation’. Nagresulta ito sa pagkakabunyag ng 176 unclaimed na mga bangkay ng inmates mula sa Bilibid.