Advertisers
AABOT sa 362 kaso ng actue gastroenteritis ang naiulat sa probinsiya ng Antique, kungsaan 8 ang namatay.
Sa report ng integrated provincial health office (IPHO), hinihinalang kontaminado ang pinagkukuhanan ng tubig ng mga residenteng tinamaan ng gastroenteritis.
Batay sa monitoring, nagmula ang mga namatay sa mga bayan ng Hamtic, Valderrama at San Remigio.
Ayon kay IPHO information officer Irene Dulduco, tig-3 ang namatay sa Hamtic at Valderrama habang 2 San Remigio.
Na-monitor ang mga kaso noong Nobyembre 11, ilang linggo matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng sa lalawigan.
Ayon kay Duduco, lumabas sa water sampling na positibo sa e. coli bacteria ang pinagkukuhanan ng tubig.
Lumilitaw aniyang nakontamina ang tubig dahil nalubog sa baha ang mga pipeline o tubo.
Inabisuhan ang mga residente na gumamit muna ng mineral water at i-report agad kung makaranas ng matinding pagsakit ng tiyan, diarrhea o pagtatae, at pagsusuka.