Advertisers

Advertisers

Kaya ‘Marya is out’…Maricel magreretiro na sa showbiz?

0 342

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMING followers ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa kanyang mga social media accout, ang nagulantang nang mag-post kamakailan si Marya ng isang larawan na blurred and silhouetted ng isang tao na tila may inaayos sa bandang ulo.
Para mas lalo pang interesting ay may nilagay pang caption si Maricel na ‘Marya is Out’ na magaganap sa 11.19.22.
Naging palaisipan tuloy ito sa kanyang mga supporters, lalabas na ba sa showbiz world si Maria? May bago kaya siyang ipo-promote na show o movie? At narito ang ilan sa mga komento ng netizens.
“Inay, Bakit out?”
“Music Video na po ba ito? Charot”
“halaa paiexplain po ito nago-overthink na ako”
“Madam Ano twoah ?????”
“Grabe, kayanin ko kya ito?”
Ano nga kaya ang ibig sabihin ng Marya Is Out? Ano kaya ang big reveal ni Maricel Soriano? May kaugnayan kaya ito sa kanyang showbiz career o sa personal na buhay? O di ba kaya promo ng kanyang blogsite? Well, one thing for sure ay tiyak marami ang mag-aabang ng big reveal ni Marya kung anupaman ito.
***
SA latest movie na ginawa ni Stephanie Raz, ang “Bata Pa Si Sabel”, directed by Reynold Giba, premieres via Vivamax Plus on November 28 and streams via Vivamax on December 2, maituturing nitong biggest break so far sa kanyang showbiz career.
Nasa lead role na rin kasi si Stephanie, di tulad ng mga nauna niyang pelikulang ginawa tulad ng “Porn Star 2: Pangalawang Putok”, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! (O sige)”, “L”, “Doblado” at “Purificacion.
Inamin ni Stephanie na nang sumalang siya sa sexy movies ay mas maraming challenge siyang natatanggap bukod pa sa mga basher niya. Isa na rito ay ang first time siyang nasigawan ng isang direktor.
“Siguro, first time ko pa lang na napagalitan kay Direk Joel Lamangan. Hindi ko naman na-experience kay Direk Reynold, or kay Direk Brillante. And okay lang naman sa akin kasi at least may natutunan ako everytime na napapagalitan ako,” say ni Stephanie.
Pagdating naman sa mga negatibong puna sa ginagawa niyang pagpapaseksi.
“Ako po kasi, ginagawa ko lang po talaga itong stepping stone. End goal ko po talaga, maging serious drama actress kasi ‘yun po ‘yung dream ko. So sa lahat po ng nakakasama ko na veteran actress, actor, and mga directors, sinasapuso ko po lahat ng mga advice nila sa pag-acting,” dagdag na say pa ni Stephanie.
Ang “Bata Pa si Sabel” ay istorya ng isang biktima ng gang rape and in her own way ay naghiganti sa grupo ng humalay sa kanya at pumatay sa kanyang mahal sa buhay. Kasama rin sa movie sina Micaela Raz, Chad Solano, Benz Sangalang, Angela Morena, Gardo Versoza, and Julio Diaz.