Advertisers

Advertisers

P2.5m shabu, marijuana nasamsam sa 2 big-time tulak sa Rizal, Cavite

0 179

Advertisers

NASABAT ang mahigit P2.5 milyon halaga ng shabu at marijuana mula sa dalawang big-time na tulak ng iligal na droga nitong Miyerkules, Nobyembre 16, sa isinagawang operasyon sa Rizal at Cavite.

Ayon sa Police Regional Office 4A (PRO4A) at Philippine Drug Enforcement Agency, naaresto si Lester De Borja 7:05 ng gabi sa operasyon na ikinasa sa isang subdivision sa Barangay San Roque, Antipolo City, Rizal.

Nakuha mula kay De Borja ang 13 bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana o “weed” na nakabalot sa plastik at may timbang na 13 kilos. Nagkakahalaga ito ng P1,560,000.



Samantala, sa buy-bust operation naman sa Dasmarinas City, Cavite nasakote si Yusop Pangandag Yasin 10:22 ng gabi sa Barangay San Agustin II.

Nakuha kay Yasin ang tatlong pakete ng shabu na nasa 150 gramo at nagkakahalaga ng P1,020,000.

Itinuturing na high-value targets ng mga awtoridad ang dalawang tulak.