Advertisers

Advertisers

Paggamit ng signal jammers sa mga piitan tinanggal na ng BuCor

0 171

Advertisers

INIHAYAG ng Bureau of Corrections (BuCor) na hindi na gagamit ng signal jammers ang ahensya para makontrol ang paggamit ng mga telepono at iba pang gadgets sa loob ng mga piitan.

Sa halip ayon kay BuCor Officer-in-Charge Gregorio Pio P. Catapang Jr, imomonitor na lamang ang lahat ng mga phone calls transaction ng mga persons deprived of liberty o inmates.

Makakatulong din aniya ang pagtanggal ng signal jammers sa Bucor officials at personnel na makapag-usap ng mas maayos.



Sinabi rin ng BuCor official na may biniling tablets ang bureau na gagamitin ng inmates para makapag-video call ang mga ito sa kani-kanilang mga pamilya.

Puspusan naman ang pagsuyod pa sa mga itinatagong mobile phones ng mga bilanggo kasunod ng pagkakakumpiska ng nasa 500 cellular phones mula sa PDLs sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa city.

Hindi aniya sisirain ang mga makukumpiskang cellphone sa halip ay subject ang mga ito sa forensic examination dahil sa posibilidad na naglalaman ang mga ito ng ebidenisya.

Ito ay bahagi ng efforts ng bureau na mawaksan ang katiwalian sa loob ng mga piitan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">