Advertisers
PINAGTIBAY na sa House Committee on Health ang consolidated bills para sa paglikha ng OFW hospital.
Sinabi ni Cong. Ron Salo, layun ng panukala na masuklian ang malaking nai-ambag ng mga OFWs sa bansa.
Base sa inilabas na datus ng Phil Statistics Authority (PSA), aabot sa bilyong pisong halaga ng remittances ang naiaambag sa ekonomiya ng bansa ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat.
Iginiit pa ni Salo na malaking tulong para sa mga OFWs ang maitatatag ng “OFW hospital” lalo na kung saan ilan sa mga ito ang dinadapuan ng ibat-ibang karamdaman na nagiging dahilan umano ng pagkaubos ng kanilang naipon dahil sa pagpapagamot.
Bunsod nito, suportado naman ng Dept of Health (DOH) ang panukalang makapagpatayo ng pagamutan para sa mga OFWs. (Henry Padilla)