Advertisers

Advertisers

PASLIT NA ‘MISSING’, NATAGPUANG PATAY SA BANGIN

0 157

Advertisers

BANGKAY na nang matagpuan ang 9-anyos na babae sa isang masukal na lugar sa Sta. Maria, Davao Occidental.

Sa ulat, narekober ang katawan ng bata sa isang bangin sa Barangay San Agustin noong November 11.

Nauna nang napaulat na nawala ang biktima November 10 ng hapon.



Ang mga kawani ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office ang nag-rekober sa katawan ng bata dahil matarik ang lugar kungsaan ito natagpuan.

Sa tulong ng mga saksi, agad nakilala ng Sta. Maria Police ang salarin na si alyas “Berto” , tiyuhin at kapitbahay ng pamilya ng biktima.

Nasa lugar pa raw si Berto habang pinaghahanap ng kaanak ang nawawalang bata.

Sa isang manhunt operation, naaresto ng mga awtoridad si Berto sa Don Marcelino, Davao Occidental.

Lumabas din sa postmortem examination na ginahasa ng salarin ang dalagita bago ito pinatay.



Sinampahan na ng kasong rape with homicide si Berto.

Napag-alaman na nakulong na si Berto sa kasong ‘robbery with rape’ noong 2016 subali’t nakalaya ito nang ma-dismiss ang kaso.