Advertisers

Advertisers

Renewable energy sa bansa tinalakay ni PBBM sa APEC Summit sa Thailand

0 195

Advertisers

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na prayoridad ng Pilipinas na unahin ang renewable energy options gaya ng hydropower, geothermal power, solar at iba pang low-emission energy sources.

Binanggit ito ng Pangulong Marcos sa kanyang opening statement sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit sa Bangkok, Thailand.

Sinabi ng Pangulo na ang prayoritisasyon ay magagawa sa pamamagitan ng pagtatakda ng target para sa tinatawag a “higher share” ng renewable energy sa power generation mix na 35% sa taong 2030 at 50% naman sa taong 2040.



Ayon sa Pangulo, isa sa mga pangunahing hamon na kailangang tugunan ay ang climate change, na aniya’y pinakamalaking pagsubok ng mundo sa kasalukuyan na may matinding epekto sa ekonomiya ng mundo.

Pahayag pa ng Punong Ehekutibo na ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na nanganganib sa matinding epekto ng climate crisis, hindi kasi malayong mangyari na mawalan ito ng mahigit sa 6% ng gross domestic product (GDP) annually sa taong 2100, batay sa naging pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB).

Sinabi rin ng Pangulong Marcos na kailangang paigtingin ng APEC member economies ang pagtugon sa structural at policy issues para kontrahin ang epekto ng pandemya, gyera at climate change.

Ani ng Pangulo, ang food insecurity ay seryosong suliranin ng mundo na nararamdaman na ngayon ng bawat pamilya. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">