Advertisers

Advertisers

SIMCARD REGISTRATION SIMULA NA SA DISYEMBRE!

0 421

Advertisers

INAASAHANG epektibo na simula Disyembre 27 ang Republic Act 11934, o Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act.

Ito ang sinabi ni Senador Grace Poe kasabay ng pagdinig ng Senado nitong Miyerkules, Nobyembre 16 hinggil sa proposed P11.32 bilyon na budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa 2023 na lumusot na rin sa plenaryo ng Senado.

“It will be effective definitely December 27, so marami pa rin ang babati sa inyo ng Merry Christmas at hihingi ng aguinaldo,” wika ng senadora.



Ayon kay Poe, inaasahang ilalabas ng DICT ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng naturang batas simula Disyembre 12 at magka-karoon din ng public hearing sa Disyembre 5.

“December 12 is the issuance of the IRR. So it will be effective definitely on December 27,” banggit pa ni Poe.

Bukod sa kanya, sinabi rin ni Poe na marami pang iba ang nakatatanggap pa rin ng mga mapanlinlang na text message.

“Unfortunately, maybe the telecommunications companies (telcos) are also waiting for the IRR for it to be clearer to them how to be able to police these texts. But I know Globe and Smart (have) already canceled a lot of numbers based on this and yet, there are still some,” paliwanag ng senadora.

Matatandaang noong Oktubre 10 nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang SIM Registration Act bilang tugon sa lumalalang kaso ng mga text scams at spam.



Sa ilalim ng batas, dapat nang iparehistro ang SIM card para magamit ito sa loob ng 180 na araw na maaaring palawigin ng karagdagang 120 araw.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang National Telecommunications Commission, sa DICT, National Privacy Commission, telcos at consumer groups para sa IRR na dapat ilabas 60 araw matapos mapirmahan ang batas. (Mylene Alfonso)