Advertisers

Advertisers

Higit P1.3m droga nasabat sa Cavite

0 149

Advertisers

Nasabat ng mga awtoridad ang aabot sa P1,360,000 halaga ng shabu mula sa isang high-value na tulak sa Bacoor, Cavite nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 17.

Sa ulat, sinabi ng Police Regional Office 4A (PRO4A) na ang operasyon nila katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency at pulisya, nagresulta sa pagkakaaresto kay Michael Angelo Cecilio sa Barangay Molino VII, 8:30 ng gabi.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang knot-tied plastic bag na naglalaman ng shabu na may timbang na 200 gramo at nagkakahalaga ng nasa P1,360,000.



Tinutunton na ng pulisya kung saan nanggaling ang suplay na droga ng suspek.

Nakumpiska rin mula kay Cecilio ang motorsiklo na pinaniniwalaang ginagamit nito sa pagtutulak.

Kasalukuyan nang hawak ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Matatandaan na nitong Miyerkules nakuha ang aabot sa P2,580,000 halaga ng shabu at marijuana sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Antipolo City, Rizal at Dasmariñas City, Cavite.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">