Advertisers

Advertisers

Hirit na dagdag-singil ng Maynilad, Manila Water aprubado na

0 155

Advertisers

INAPRUBAHAN na ng board ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang hirit na dagdag-singil ng Maynilad at Manila Water.

Inanunsyo ito ng MWSS dahil 4 na taong hindi naka-adjust, P8.04 kada cubic meter ang dagdag-singil ng Manila Water habang P3.29 kada cubic meter naman sa Maynilad simula Enero.
Iba pa ito sa dagdag-singil sa 2024 hanggang 2027.

“All of the expenses ng Maynilad at Manila Water ay tumataas at hindi po sila nagkaroon ng tariff adjustment since 2018,” ani MWSS Chief Regulator Patrick Ty.



“Ang ginawa na lang ng board ini-spread out ang tariff adjustment into 5 years para ‘di mabigat sa mga consumer,” aniya.

Bunsod nito ayon kay Ty, may basehan naman ang dagdag-singil para manatili ang supply at mapaganda ang serbisyo.

Samantala bago dinesisyunan ng board, nagsagawa ng public consultation ang MWSS-Regulatory Office para ipresenta ang mga proyekto at plano ng 2 concessionaire kapalit ng dagdag-singil sa tubig sa susunod na 5 taon. (Boy Celario)